ANG PAGLUBOG NG ARAW
by: Hazel Arevalo
Isa sa pinakamagandang pagmasdan sa hapon ay ang pag lubog ng araw . Sa subrang hilig kong kumuha ng lotrato . Ang paglubog ng araw ang nasaksihan ko noong akoy kumuha ng iba't ibang litrato. Isa itong napakagandang tanawin na nagpaantig ng aking puso at nagpapaligaya ng aking damdamin. Isa saking mga libangan ang kumuha ng litrato ng mga magagandang tanawin at mga kulay na magaganda at kong ano pang nakakaagaw ng aking atensyon. Napili ko ang tanawing ito na ibahagi saaking blog dahil para sakin hindi ito pangkaraniwang tanawin lamang. Ito ang inaka magandang tanawin na aking nakuhanan . Nang makita ko ang napakagandang tanawin na ito ay para bang mayroon akong hindi maipaliwanag na saya nong nakita ko ito . Sa sandaling iyon nakalimutan ko ang aking mga problemaat mga suliranin sa buhay at nakadama ng saya . At nang sandaling iyon ng aking buhay ay doon ay napangiti ako't patuloy na pinagmasdan ang tanawin kasama ang mga taong mahalaga sakin, mga taong nagsilbing inspirasyon ko at mga taong mahal na mahal ko at ang mga taong nagpapagaan ng aking kalooban sa tuwing nawawalan na ako ng pag-asa, pag-asang may tiwala at paninindigan at pananalig sa diyos . Nakakagaan ng damdamin at puso na makakita ng makulay na langit kong saan masasaksihan ang paglubog ng araw na tila ba nagpapaalam sa buong maghapon nagdaan . Nakakatuwang pagmasdan ang yamang sariling atin na nilikha ng may kapal . Isa sa pinakamagandang karanasan ito para sa akin dahil ito ang unang beses na kasama ang barkada . Sa aking pagpunta ay wala akong pinalagpas na sandali kundi masiyahan sa nakita ng aking mata . Ang paglubog ng araw ay laging dumarating . Bawat gabi, himdi ito pumapalya . Nagiiba-iba ang oras kung kailan ito nangyayari , pero siguradong darating ito. Dahil sa pagiging maaasahan ng paglubog ng araw , kong minsan ay hindi na ito masyadong nagiging mahalaga sa aton , hindi na natin napapansin ang dulot nitong ganda . Pero minsan kailangan momg huminto at tumingala para masaksihan ang kagandahan ng paglunog ng araw . At alam nyo ba , ang bawat paglubog ng araw ay naiiba sa iba pa . Siguro , hindi pa naman nagkakaroon ng dalawang paglubog ng araw , makakatiyak tayo, ay ubod ng ganda . Gaya ng isang blangkong telang asul na sinabuyan ng iba't ibang mga kombinasyon ng pula, dalandan, at dilaw, ang huling mga bakas ng liwanag ng araw ay isang bagay na pwede nating kamanghaan at pagnilay nilayan ,isang obra na nakapaskil sa isang malawak na galleriya ng himpapawid.